Zone V Camera Club (ZVCC) embarked for the second year an outreach project called Images of H.O.P.E., a week-long Print Sale to benefit ERDA SaBaNa Foundation and provide a Learning Hub for the underprivileged students of the center.
At Zone V, the Images of H.O.P.E. project is but a small ripple with the hope to create bigger waves for the youth to reach their full potential and their dreams. Arlene Donaire of ZVCC crafted a poem specially on this.
Alon ng Pag-ahon
By Arlene Donaire
Ang bawat tagumpay
ay nagmumula sa adhika
bunga ng pagsisikap;
pinapalakas ng diwa;
inaaruga ng dalangin;
sinisinagan ng Bathalang
maykapal at mapagpala.
Mga larawang buhay
ay mga gunita ng panahon;
tanda ng mga mahalagang yugto –
ng hinahon sa kalooban at panlabas,
ng kalinaw sa kapaligiran at kalikasan,
ng mga hugis na umaakit at nagbubunyi,
ng mga likhang makulay at
ng mga haranang hatid ay pag-ibig.
Mga larawang alay ng puso
ay kawangis ng mumunting alon;
na hahawi sa kaguluhan,
At magbubukas ng panibagong daan.
Para sa hinirang na mga kabataang Pilipino,
May dalang pag-asa tungo sa pag-ahon,
sa pagkilos, sa pagbangon;
patungo sa magandang bukas
at sa matatag na buhay.